Buo ang suporta ni House Committee Chair on Agriculture at Quezon Representative Mark Enverga sa pagpapatupad ng 60-day suspension sa pag-aangkat ng bigas ng bansa.
Sa naging pahayag ng mambabatas , sinabi nito na ang hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagpapatigil pansamantala ng rice importation ay napapanahon lamang .
Malaki aniya ang maitutulong nito para mabigyan ng proteksyon ang mga lokal na magsasaka ngayong panahon ng anihan.
Sinabi naman ng Department of Agriculture, sa ngayon ay siksik na ang mga bodega sa inangkat na bigas kaya’t walang mapaglagyan ang bagong aning palay.
Ito rin ang dahilan para bumagsak ang presyo ng bigas sa mga pamilihan na malaking dagot naman sa mga lokal na magsasaka.
Alinsunod sa Republic Act No. 12078, pansamantalang sinuspinde ng Pangulo ang importasyon ng produktong agrikultural dahil sa hindi balanseng kalagayan ng merkado.
Inaasahang magiging matatag ang presyo ng palay sa suspensyon, na magbibigay sa mga magsasaka ng pagkakataong kumita.