-- Advertisements --

Magsisimula na sa loob ng dalawang araw ang malawakang pagtanggal sa mga federal workers sa Amerika ayon sa White House.

Ito ay kasunod ng government shutdown nitong Miyerkules, Oktubre 1 matapos mabigo ang Kongreso na magkasundo sa bagong spending plan bago ang deadline.

Mag-adjourn na rin ang US Senate na nagpataas naman ng pangamba sa posibleng manganib ang daan-daan libong trabaho gayundin ang posibilidad na mawala ang bilyun-bilyong halaga sa ekonomiya ng Estados Unidos.

Base naman sa ilang analyst, inaasahan na mas malaki ang magiging epekto ng shutdown sa kasalukuyan kumpara noong 2018. Kung saan posibleng aabot sa 40% ng federal workers o katumbas ng 750,000 indibidwal ang malalagay sa temporary leave.

Nitong Miyerkules, ilang manggagawa na ang naka-furlough o sinuspendi, subalit nagbanta ang Trump administration nang permanenteng pagsibak sa mga federal workers.

Samantala, inaasahan na magkakaroon ng panibagong botohan bukas, araw ng Biyernes, Oktubre 3, para sa short-term funding bill na ipinanukala ng Republicans.