-- Advertisements --

Binalaan ni US President Donald Trump ang mga federal workers na hindi na sila mababayaran sa mga araw na hindi nila ipinasok dahil sa halos mag-iisang linggong government shutdown.

Sinabi ni Trump na depende aniya sa mga federal workers subalit tiniyak nito na karamihan ay makakatanggap ng back pay.

Muling isinisi niya ang sa Democrats na mambabatas dahil sa pagtanggi na aprubahan ang ilang spending bill ng Republicans.

Nakasaad kasi sa kanilang batas na kapag mayroon ng pondo ang gobyerno ay mababayaran ng kanilang backpay ang mga federal workers na pansamantalang pinagpahinga.