-- Advertisements --

Paparating na sa final vote sa House of Representatives ang panukalang pagwawakas sa pinakamahabang government shutdown sa kasaysayan ng US ngayong Miyerkules, matapos umanib ang walong Demokratiko sa mga Republican sa Senado laban sa kanilang partido.

Sa isang Veterans Day speech sa Arlington National Cemetery, ipinagdiwang ni President Donald Trump ang tagumpay at pinuri si House Speaker Mike Johnson at Senate Majority Leader John Thune.

Ayon kay Trump, inaasahan niyang aaprubahan ng Republican-controlled House ang bill na magpapatuloy sa pondo ng pamahalaan hanggang Enero. (report by bombo Jai)