Nagbanta ang US Department of Transportation na kanilang isasara ang ilan nilang airspace kapag hindi nagpakita sa trabaho ang air traffic controllers.
Mula kasi noong nagkaroon ng government shutdown na umabot na sa halos 40 araw ay maraming mga federal workers ang hindi nababayaran dahil sa kawalan ng pondo.
Ayon kay US Transportation Secretary Sean Duffy na maaaring makaranas sila ng malawakang flight delays at cancellations dahil sa pagliban sa trabaho ng mga air traffic controllers.
Nakatanggap na ng partial paychecks ang mga controllers noong unang linggo ng shutdown at maging noong nakaraang linggo.
Gaya rin ng Transportation Security Administration workers ang mga controllers ay essential workers na kailangang magtrabaho kahit na mayroong federal government shutdowns.















