-- Advertisements --

Matapos ang dalawang beses na nagkaroon ng oil price rollback, asahan na raw sa araw ng Martes ang malakihang oil price hike lalo na sa presyo ng diesel.

Ayon sa mga energy sources, ang fuel price forecast sa April 19 hanggang 25 trading week ay mayroong posibleng dagdag presyo sa diesel na P1.70 to P1.80 kada litro.

Ang presyo naman ng gasolina ay posibleng papalo sa P0.40 hanggang P0.50 kada litro.

Base sa year-to-date adjustments, ang standard increase sa gasolina ay papalo na sa P15 kada litro habang P26.65 naman sa kada litro ng diesel at P21.10 ang kada litro ng kerosene.

Karaniwang inaanunsiyo ang oil price adjustment sa araw ng Lunes at ipinatutupad ito sa araw ng Martes.