-- Advertisements --

Pinabibilis ng Palasyo ng Malakanyang ang implementasyon ng National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing and Counter-Proliferation Financing Strategy 2023-2027 o NACS.

Ito ay batay sa inilabas na Memorandum Circular No. 37 ng office of the executive secretary.

Pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang nasabing memorandum circular kung saan inaatasan ang ibat- ibang government agencies na maging ang mga GOCC na bumalangkas at magpatupad ng plano at mga programa sa ilalim ng NACS 2023-2027.

Sa nasabing memorandum circular, ipinag-utos sa Anti- Money Laundering Council na magsumite sa office of the Executive Secretary ng comprehensive report hinggil sa status ng implementasyon ng National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing and Counter-Proliferation Financing Strategy.

Saklaw ng Memorandum Circular No. 37 ang lahat ng concerned departments, agencies, bureaus, at National Government Kasama na Ang GOCC at local government units.

Inaaatasan din ang lahat ng agency heads na magsagawa ng pagrepaso sa deliverables na nasa ilalim ng International Co-operation Review Group Action Plan.