Nagbabala ang state weather bureau PAGASA hinggil sa malakas na pag-ulan bunsod ng tropical depression Kabayan at isinailalim na rin sa Signal Number 1 ang ilang mga lugar sa bansa.
Huling namataan ang bagyong si Kabayan na ma layong 525 kilometers east ng Davao City, Davao del Sur.
Ang malakas na pag-ulan at mararanasan mula ngayong Linggo hanggang sa susunod na linggo sa Mindanao at ilang bahagi ng Visayas.
Ang eastern portion ng Southern Luzon ay makakaranas din ng malakas na ulan.
Ang mga lugar na itinaas sa signal no.1
VISAYAS
The southern portion of Samar (Basey, Santa Rita, Marabut)
Southern portion of Eastern Samar (Maydolong, City of Borongan, Quinapondan, Guiuan, Lawaan, Balangiga, Llorente, Giporlos, Salcedo, Balangkayan, General Macarthur, Hernani, Mercedes)
Eastern at southern portions of Leyte (Mahaplag, Abuyog, Javier, Macarthur, Tabontabon, La Paz, Mayorga, Tolosa, Tanauan, Julita, Dulag, Palo, Tacloban City, Babatngon, Matalom, Hilongos, Bato)
Southern Leyte
MINDANAO
Dinagat Islands
Surigao del Norte
Surigao del Sur
Agusan del Norte
Northern and eastern portions of Agusan del Sur (Bunawan, San Francisco, City of Bayugan, Esperanza, Talacogon, Rosario, Sibagat, Prosperidad, San Luis, Trento)
the northern portion of Davao Oriental (Boston, Cateel)
Eastern portion of Misamis Oriental (Gingoog City, Magsaysay, Medina, Talisayan, Balingoan, Kinoguitan)
Camiguin.
Batay sa pagtaya ng PAGASA, mananatili ang lakas ng Kabayan hanggang sa unang pag-landfall nito sa baybayin ng Surigao del Sur o Davao Oriental sa Linggo ng gabi o Lunes ng madaling araw.
Ito ay tatawid sa kalupaan ng Mindanao bago lalabas sa alinman sa Bohol Sea o Sulu Sea sa Lunes ng tanghali o hapon.
Sinabi ng weather bureau na ang bagyo ay maaaring humina sa isang LPA sa ibabaw ng lupa o pagkatapos na umusbong sa ibabaw ng dagat dahil sa “frictional effects” ng landfall.
Gayunman, sinabi ng PAGASA na ang bagyo ay maaaring muling lumakas sa Sulu Sea.
Inaasahang tatama ang Kabayan sa lupain sa ikalawang pagkakataon sa gitna o katimugang Palawan bilang tropical depression sa Martes ng umaga.