Suportado ng Palasyo ng Malacañang ang isinasagawang kauna-unahang joint military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa ilalim ng Reciprocal Access Agreement (RAA).
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na ang nasabing aktibidad ay tugma sa adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagtibayin ang kooperasyon para sa kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific region.
Giit ni Castro malaking bagay din ito para sa ating mga kasundaluhan dahil makakakuha sila ng dagdag kaalaman para sa agarang pagresponde, lalo na kapag mayroong kalamidad na nangyayari sa ating bansa.
Samantala, nang tanungin kung makakatulong ba ang nasabing joint exercise sa harap ng agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea, sinabi ni Usec. Castro na hindi niya ito masagot at kaniya na ito ipaubaya sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ang Doshin-Bayanihan 5-25 ay itinuturing na isang makasaysayang hakbang para sa pagpapatibay ng implementasyon ng RAA, na nilagdaan ng Pilipinas at Japan upang palalimin ang defense cooperation ng dalawang bansa.