-- Advertisements --
Tiniyak ni Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez na ito ay haharap sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Sinabi ng kampo nito na natanggap na ng dating House Speaker ang imbitasyon mula sa ICI.
Dagdag pa nito na ang pagharap sa imbestigasyon ay tsansa para maipaliwanag ang panig nito sa pagkakasangkot niya sa maanomalyang flood control projects.
Itinanggi rin ng kampo ng dating House Speaker ang lumabas na balita na ito ay nagtatago na sa ibang bansa.