-- Advertisements --
Nagpakitang-gilas ang NBA star na si Kevin Durant sa kanyang unang laro para sa bagong koponan na Houston Rockets, kung saan nakapagtala siya ng 20 puntos.
Ipinamalas ni Durant na nananatili siyang matatag sa parehong opensa at depensa, at patuloy na magiging hamon sa mga kalaban sa loob ng hard court.
Ang Houston Rockets ang ikalimang koponan ni Durant sa NBA matapos siyang ma-trade mula sa Phoenix Suns, kung saan nagtala siya ng average na 26.6 puntos at 7 rebounds kada laro.
Matatandaan ding naglaro si Durant para sa Golden State Warriors, kung saan siya ay nakapagkamit ng dalawang NBA Finals Championship at Finals MVP.