Umabot na sa 10,006 ang kabuuang bilang ng mga aftershock na naitala kaugnay ng Magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa Cebu noong Setyembre 30, 2025.
Ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), pahina na nang pahina ang mga ito ngunit maaari pang magtagal.
Samantala, na-plot ng PHIVOLCS ang nasa 1,767 aftershocks.
Ito ang mga na-detect ng dalawa o higit pang monitoring stations.
Naramdaman ng mga residente ang 44 sa mga ito ngunit ang karamihan ay na-record na lamang ng mga pasilidad.
Ang magnitude range nito ay mula 1.0 hanggang 5.1.
Ayon sa PHIVOLCS, patuloy ang kanilang pagbabantay sa mga aftershock gamit ang mga seismic monitoring stations sa rehiyon.
Ang magnitude 6.9 na lindol ay nagdulot ng pag-aalala sa mga residente ng Cebu at kalapit na mga lalawigan, lalo na sa mga baybaying lugar.