-- Advertisements --

Arestado ng National Bureau of Investigation ang isang indibidwal sa Cubao, Quezon City dahil sa illegal investment scheme.

Batay sa impormasyon ng kawanihan, target anila nito ang mga retiradong sundalo o pensioners upang biktimahin.

Nag-ugat ang operasyon ng NBI matapos makatanggap ng reklamo dahil sa umano’y ilegal na investment scheme na nagso-solicit ng pondo o pera.

Arestado ang kinalalang pinuno ng grupo na si Dominga Supnet Mejia kasunod ng pangakuan ang mga biktima ng malaking halaga ng balik.

Ito’y kahit pa wala anila’y kaukulang lisensya mula sa Securities and Exchange Commission ang naturang operasyon ng investment scheme.

Kaya’t buhat nito’y ikinasa ng NBI ang isang entrapment operation na nagresulta para sa pagkakaaresto ni Mejia nang kanyang tanggapin ang halagang 1-milyon Piso.