-- Advertisements --

Idineklara ng Palasyo Malacañang ang special non-working holiday sa 7 lugar ngayong Oktubre at sa Nobiyembre.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ilang serye ng proklamasyon para bigyang pagkakataon ang mga komunidad na magbigay pugay sa kanilang natatanging cultural heritage at makasaysayang selebrasyon.

Kabilang dito ang Proclamation 1045, na nagdedeklara ng special non-working holiday sa Oktubre 9 sa San Isidro, Surigao del Norte para sa kanilang ika-66 na founding anniversary.

Itinalaga ding special non-working holiday ang Oktubre 16 sa Lapuyan, Zamboanga del Sur para sa kanilang selebrasyon ng ika-68 founding anniversary sa bisa ng Proclamation No. 1046.

Sa Oktubre 20 naman, holiday sa Batac City Ilocos Norte, sa Oktubre 28 naman ay sa bayan ng Dingle, Iloilo at sa Oktubre 29 sa Mati, Davao Oriental.

Sa Oktubre 30, idineklara din ang special non-working holiday sa San Isidro, Davao del Norte at sa Nobiyembre 4 naman sa Quezon province.