BAGUIO CITY – Inilibing nitong Miyerkules ang bangkay ni Major Marvin Indammog sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Naging emosyonal ang burial rites sa St. William’s Cathedral na kung saan nagbigay ng mensahe ang pamilya ni Major Indammog.

Umapela din ang mga ito ng hustisya sa pagkamatay ni Major Indammog.

Si Major Indammog ay kasali sa pamamaril ng mga pulis sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Kasali sa mga nasawi sa nangyaring insidente sa nasabing lugar sina Captain Irwin Managuelod, Sergeant Eric Velasco, at Corporal Abdal Asula.