Pinuri ni PNP (Philippine National Police) chief Gen. Dionardo Carlos ang PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa matagumpay na operasyon kahapon sa siyudad ng Quezon kung saan nasabat ang P340 milyong halaga ng shabu.
Ayon kay Carlos, isa itong “major blow” sa supply ng droga dahil sa dami na narekober ng mga pulis.
Ang operasyon ay una nang pinangunahan ng Special Operations Unit 3 ng PDEG kasama ang mga tauhan ng Intelligence Foreign Liaison Division at Special Operations Unit-National Capital Region ng PDEG, Quezon City Police District (QCPD)-Station 3, Philippine Drug Enforcement Agency-NCR, Criminal Investigation and Detection Group at Bureau of Customs-Intelligence and Investigation Service.
Sa naturang operasyon, tatlong suspek ang naaresto kung saan isa ang sugatan matapos na umano’y manlaban.
Una na ring sinabi ni PNP PDEG director B/Gen. Randy Peralta na inaalam na nila kung may kaugnayan ang nakumpiskang droga sa P11 billion na halaga ng shabu na narekober sa Infanta, Quezon kamakailan, dahil sa parehong pakete na pinaglagyan ng droga.