Humanay na rin sa winning column ang Toronto Raptors nang magtala ng kanilang unang panalo laban sa New York Knicks, 100-93.
Binitbit ni Fred VanVleet ang team gamit ang kanyang 25 points, 5 rebounds at 7 assists para sa 1-3 record ng koponan.
Ito ay sa kabila na hindi pinaglaro ng coach ang All-Star forward na si Pascal Siakam dahil sa disciplinary action.
Hindi naman idenitalye ni coach Nick Nurse ang dahilan.
Samantala, sa unang pagkakataon nakatikim na rin ng talo ang dati ay unbeaten team na Orlando Magic sa kamay ng Philadelphia, 116-92.
Naging susi sa ikaapat na panalo ng Sixers ang kanilang mainit na shooting sa pangunguna ng big man na si Joel Embiid na nagpasok ng 21 points at 9 rebounds.
Sinamahan pa ito nang pagpapaulan ng puntos nina Seth Curry na may 21 points at limang 3-pointers at si Tobias Harris na nagdagdag ng 20 points at tatlong three-pointers.
Sa panig ng Magic nasayang ang double-double ni Nikola Vucevic na nagposte ng 19 points at 10 rebounds.