Good news sa mga kawani ng gobyerno dahil kinumpirma nga ng Civil Service Commission (CSC) na humigit kumulang sa 1.7 million government workers ang simula ng makatanggap ng kanilang year-end bonus ngayong araw, November 15.
Ayon kay Commissioner Aileen Lizada, ang bonus ay ang regular year-end bonus at cash gift na ibinibigay tuwing November.
Ang mabibiyayaan ng bonus ay para sa lahat ng mga posisyon sa mga civilian personnel kahit na ang regular, contractual, o casual, mga appointive o kaya elective, mga full-time o part-time, kasama na ang nasa executive, legislative at judicial branches, mga Constitutional Commissions at iba pang mga Constitutional Offices, State Universities and Colleges, and Government-owned and controlled corporations (GOCCs) na covered sa ilalim ng Compensation and Position Classification System (CPCS) o ang batas na RA No. 6758.
Ayon sa Department of Budget and Management’s (DBM) ang year-end bonus ay katumbas ng isang buwan na basic pay as of October 31 at cash gift na umaabot sa P5,000.