-- Advertisements --

Ibinasura ng korte sa Los Angeles ang reklamong pananakit laban sa American rapper na si Cardi B.

Ang kaso ay nagbunsod sa reklamo ng security guard na si Emani Ellis kung saan kinalmot ng rapper ang mukha niya noong 2018 habang ito ay nasa labas ng obstetrician office.

Nagkaroon umano sila ng alitan kung saan magpapa-check up lang sana ang rapper na noon ay buntis.

Sa nasabing kaso ay humihingi si Ellis ng $24-milyon na damyos.

Kuwento naman ng rapper na sinundan siya ng guwardiya at kinuhanan siya ng video gamit ang cellphone na sumira sa kaniyang espasyo at privacy.

Nanawagan na lamang ang rapper sa mga fans na hayaan na lamang ang nagreklamo na guwardiya dahil sa lumabas na rin ang desisyon ng korte.