-- Advertisements --
image 443

Umabot na sa mahigit P73Million ang halaga ng mga relief assisstance na naipamahagi sa mga apektadong residnete sa probinsya ng Albay.

Batay sa ulat ng Department of Social Welfare and Development, kinabibilangan ito ng 57,000 ffp na katumbas ng P27Million na halaga.

Kasama rin dito ang nasa P19.9Million na halaga ng non-food items

Bukod dito, umabot na rin sa halos P20Million ang naipamahaging cash sa mga residente kung saan mahigit apatnalibong evacuees ang naging benepisyaryo.

ANg nasabing cash assisstance ay sa ilalim ng Assisstance to INdividuals in Crisi Situation(AICS)

Ayon sa DSWD, nananatiling nasa mga evacuation center ang mahigit 5000 na pamilya na unang inilikas noong nagsimula ang pag-alburoto ng bulkan.