NAGA CITY- Mahigit P500 milyong halaga ng illegal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang drug personality sa Brgy. Odicon, Pasacao Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo NAga kay PCapt. Maria Victoria Abalaing hepe ng Pasacao PNP, napag-alaman na nagsagawang buy bust operation ang mga kapulisan at PDEA sa suspek na sina Tolentino Dela Cruz at Ronald Ilustre.

Subalit sa gitna ng operasyon, nakatakas umano si Ilustre kung kaya si Dela Cruz lamang ang naaresto.

Nakumspika dito ang kabuuang 40 sachets ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalagang P600,000.

Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.