NAGA CITY – Arestado ang itinuturing na No. 1 target ng Calabanga Municipal Police Station makaraang isilbi ang search warrant sa Brgy. San Lucas, Calabanga, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Joseph Viola, isang lineman ng Camarines Sur Electric Cooperative (Casureco) 2 na dati na ring sumuko sa otoridad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Agent Pongs ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Camarines Sur, sinabi nito na naging matagumpay ang kanilang operasyon laban sa suspek sa pinag-isang pwersa ng PDEA Sorsogon, 504th Maritime Police at National Bureau of Investigation.

Ayonn kay Pongs, nakumpiska sa suspek ang pinaniniwalaang shabu na may gibat na 50 gramo na tinatayang P340,000 ang halaga.

Sa ngayon nahaharap na sa kaukulang kaso ang suspek na nanatili na sa kustodiya ng otoridad.