Aabot na sa 523,686 katao o 151,012 pamilya ang naapektuhan ng nagdaang Severe Tropical Storm Crising at Habagat, ayon sa naging situational report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong Linggo.
Mula sa 1,134 barangay sa National Capital Region (NCR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa kabuuang bilang, 33,608 indibidwal o 9,621 pamilya ang kasalukuyang nasa mga evacuation center, habang 99,834 katao o 22,511 pamilya ang tumatanggap ng tulong mula sa DSWD kahit hindi naninirahan sa evacuation sites.
Habang nakapagpamigay na ang pamahalaan ng higit sa P37 million na halaga ng tulong sa mga apektadong komunidad.
Bagama’t lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Crising nitong Sabado ng hapon, patuloy pa rin ang pag-ulan dulot ng Habagat sa malaking bahagi ng bansa.