Reading Time: 1 minute

KORONADAL CITY – Patuloy sa ngayon na inaalam ng mga otoridad kung sino ang cultivator ng mahigit 50 puno ng marijuana plants na kanilang nakumpiska sa bayan ng Tampakan, South Cotabato.

Ayon kay P/Maj. Jospeh Villanueva, ang nasabing mga marijuana plants ay natuklasan sa anti-illegal drug operation ng Tampakan PNP sa liblib na Sitio Alyong, Barangay Danlag sa nasabing bayan.

Hindi na naabutan ng raiding team sa lugar ang may ari ng na-uproot na mga Marijuana plants.

Mahigit P12,000 ang naitalang halaga ng nasabing marijuana.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa nasambing insidente.

Inaalam din kung may iba pang lugar sa bayan na lihim na pinagtataniman ng marijuana.