Nasa mahigit 4 milyon na mg Filipino ang naturukan na ng dalawang dose ng vaccine sa bansa mula ng ilunsad ang vaccination campaign na noong Marso.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque na ang nasabing bilang ay katumbas ng 3.7 percent ng kabuuang 109 milyon populasyon ng bansa.
Aabot naman sa 10.02 milyon o 9.1 percent sa mga Filipino ang nakatanggap na ng una sa dalawang dose ng bakuna mula pa noong Hulyo 14.
Sinabi pa ni Roque na mayroong 14,074, 514 na doses ang nagamit na ng bansa.
Nauna ng sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na kailangang magbakuna ng hindi bababa sa 500,000 kataos kada araw para makamit ang 77.74 milyon katao at maabot ang herd immunity sa katapusan ng 2021.
Nangangahulugan nito na mayroon pang 73.3 milyon katao pa ang dapat bakunahan sa loob ng 169 araw para makamit ang target.
















