-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 37,154 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong araw ng Linggo.

Ang naturang bilang ang 3rd highest single-day tally ng DoH.

Maliban dito, mayroon namang 30,037 na gumaling at 50 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 9.0% (287,856) ang aktibong kaso na sjyang pinakabagong record.

Samantala umabot na rin sa 89.4% (2,864,633) na ang mga gumaling, at 1.65% (52,907) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 14, 2022 habang mayroong 12 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 12 laboratories na ito ay humigit kumulang 2.7% sa lahat ng samples na naitest at 3.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.