Nasa 317 schoolgirls ang dinukot ng mga armadong kalalakihan sa Nigeria.

-- Advertisement --

Agad na nagpakalat ng security officers sa bayan ng Jangebe sa north-western Zamfara.

Wala pang grupo ang umaako sa nasabing pagdukot.

Noong nakaraang mga linggo ay may mga dinukot na ang mga armadong suspek na humingi ng ransom.

Nasa 42 katao kabilang ang 27 mag-aaral ang dinukot noong nakaraang linggo sa Kagara.

Magkahalong galit at lungkot ang naramdaman ng United Nation children’s agency sa nangyaring pinakahuling pagdukot.