-- Advertisements --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Aabot sa 30 hanggang 40 pamamahay ang naabo dahil sa malaking sunog sa Mulmac, Brgy. Macabalan sa lungsod, kahapon ng Lunes ng hapon.

Mabilis na kinain ng apoy ang mga bahay dahil gawa lamang ang mga ito sa light materials.

Umabot pa ito ng 4th alarm dahil sa laki ng sunog, kung saan inabot pa ng dalawang oras bago ito naapula ng mga bombero.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni F03 Jesrel Lazaga, imbestigador ng City Fire Dept. na nagmula umano sa 3rd floor ng pamamahay na pagmamay-ari ni Jener Wabe ang insidente, ngunit inaalam pa ang sanhi ng sunog.

Patuloy rin na inaalam ng fire investigators ang kung magkano ang damyos sa sakuna.

Wala namang na-iulat na nasaktan sa pangyayari.

Sa ngayon, temporaryong inilagay ang mga apektadong pamilya sa covered court ng nasabing barangay.