-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Mahigit dalawang libong mga journalists mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo ang nasa St. Peter’s Square kasama ang libo-libong katao, ang nag-aabang sa resulta ng conclave o pagpili ng mga cardinals ng susunod na bagong Santo Papa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Filital Fr Joseph Garrido Capon, na mula pa lang sa pagsisimula ng conclave sa pamamagitan ng concelebration mass sa Basilica para sa 133 na mga cardinals, excited na ang mga tao na nag-aabang sa proseso ng conclave.

Marami-rami na rin umanong mga Italyanong mga pari man at mga deboto, ang tumatawag sa kanya at umaasang si Pinoy Cardinal Luis Antonio Tagle ang mapipili bilang ika-267 na Santo Papa.

Sa ngayo’y tanging magagawa lamang ng lahat ay magdasal na ang mapiling Santo Papa ay yaong may malalim na layuning mas mapalago pa ang Simbahang Katolika at mga deboto nito.