-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Mahigit sa 200 na mga magsasaka ng Kidapawan City at bayan ng Kabacan ang nakatanggap ng cash at food assistance mula sa Department of Agriculture XII sa isang seremonyang ginanap sa Mega Tent ng city hall.
Tumanggap ng P3,000 cash, kalahating sako ng bigas at tig-limang kilong dressed chicken ang mga farmer beneficiaries ng ayuda mula sa ahensya.
Pamamaraan ito ng DA na makatulong na maibsan ang hirap ng maraming maliliit na magsasaka sa lalawigan ng Cotabato na apektado ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
Ang mga magsasakang ito ay mga hindi napabilang sa Special Amelioration Program (SAP) na tulong pantawid mula sa national government sa panahon ng pananalasa ng COVID-19 pandemic.