-- Advertisements --

Magpapakalat ang Metropolitan Manila Development Authoity (MMDA) ng 2,400 enforce sa kabuuan ng Undas.

Ipapatupad din ng MMDA ang “no-day off, no-absent policy” para matiyak na sapat ang bilang ng mga tauhan na idedeploy sa mga kalsada.

Ayon sa naturang opisina, tutulong ang mga ito sa pagpapanatili ng maayos na trapiko sa mga lansangan at mga pook-pasyalan na tiyak na dadagsain ng mga mamamayan.

Maliban sa mga lansangan, magsasagawa rin ang mga ito ng regular inspection sa mga bus terminal upang tiyaking maayos ang kondisyon ng mga sasakyan.

Tutulong din ang ahensiya sa pagsasagawa ng drug testing sa mga driver at condoctor, kasama ang iba pang Department of Transportation (DOTr) agencies na madalas magsagawa ng naturang operasyon.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang MMDA sa mga pamunuan ng Northern Luzon Expressway at Southern Luzon Expressway para sa mahigpit na monitoring sa mga daloy ng trapiko.

Kapwa babantayan ng mga ito ang mga sasakyang papasok at palabas ng capital region.