Nasa mahigit dalawang dosenang mga tripulante ngayon ang pinaghahahanap ng mga awtoridad matapos na mahati sa dalawa ang sinasakyan nitong barko sa West Philippine Sea nang dahil sa bagyo.
Ayon sa Hong Kong Government Flying Service, tatlo lamang sa 30 mga crew members na sakay ng nasabing vessel ang nakaligtas at naisugod sa pagamutan.
Sira-sira at hati na sa dalawa kasi ang malalang kondisyon ng barko ang naabutan ng rescue team nang matagpuan nila ito sa sentro ng bagyong Chaba kung saan lubhang masama ang panahon nang dahil na rin sa wind farm na malapit dito.
Naitala sa lokasyon ng barko ang lakas ng hanging 144 kilometro bawat oras at mga alon na 10 metro ang taas, sinabi ng mga awtoridad.
Anila, sinabi ng tatlong survivors na posible raw na tinangay ng malalakas na alon ang iba pa nilang kasamahan bago pa man makarating ang rescue team.
Samantala, sa ngayon ay nagpadala na ang Governmemt Flying Service ng dalawang sorties ng fixed-wing aircraft, apat na helicopter sorties, at rescue boats kasabay ng pangako ng mga rescuers na paiigtingin pa nila ang ginagawang paghahanap sa lugar na palalawigin pa hanggang sa gabi kung maaari dahil sa malaking bilang na rin ng mga indibidwal ang nawawala.