Nasa mahigit 19,000 na mga public utility vehicles (PUV) sa buong bansa ang nakatakdang sumailalim sa government service contracting program (SCP) sa araw ng Lunes, Abril 20.
Ayon kay acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, na kaniyang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tulungan ang mga kuwalipikadong drivers at operators sa ilalim ng SCP.
Kasama na rin dito ang mga nagpatala sa pamamagitan ng online registration.
Dagdag pa ng opisyal na dapat sa loob ng 24 oras ay on-board na sila para makapagsimula na sila sa pagsali sa nasabing programa.
Dahil sa matagumpay na information campaign ay nagkaroon ng magandang improvement na tumaas ang bilang ng mga nagpatala.
Sa ilalim ng SCP, ang gobyerno ay bibigyan ng P30 kada kilometro na subsidya para sa jeepneys, P40 naman kada kilometro para sa modern jeepneys at P100 kada kilometro para sa buses.
Base kasi sa pagtaya ng LTFRB na mayroong anim na biyahe sa loob ng isang araw sa EDSA carousel buses at hanggang 100 kilometers naman kada araw para sa mga buses, UV expresses at jeepney.
Naniniwala ang opisyal na kapag tumaas ang bilang ng mga registrants ay tataas din ang bilang ng mga pasahero na mabebenepisyuhan sa nasabing programa.
















