-- Advertisements --

Apektado ngayon ang mahigit 17,500 pamilya sa pinagsamang epekto ng bagyong Nando, bagyong Mirasol na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at hanging habagat.

Base sa data mula sa Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga naitalang pamilya na apektado ng kalamidad ay mula sa 95 na barangay sa Cagayan Valley, Cordillera administrative Region (CAR), Central Luzon, Bicol Region at Western Visayas.

Sa kabuuang bilang, nasa 108 pamilya ang inilikas patungo sa 15 evacuation centers habang nasa 197 pamilya ang nanunuluyan pansamantala sa ibang lugar.

Nilinaw naman ng ahensiya na ang naturang bilang ay isinasailalim pa ng mga awtoridad sa beripikasyon.

Sa kabutihang palad, walang napaulat na nasawi o ibang casualties may kaugnayan sa masamang panahon.