CAUAYAN CITY – Sinimulan na ngayong araw ang mass testing sa mahigit 1,000 vendors ng Old Public Market sa Santiago City, Isabela.

Una nang napaulat sa himpilan ng Bombo Radyo Cauayan ang pagsasailalim sa COVID-19 test ng mahigit 1,000 manggagawa at vendor sa Old Public Market kasabay ng pagsasara sa gate 1 at gate 2 ng pamilihan.

Per batch ang sistemang isasagawa upang maiwasan ang pagsabay-sabay ng mga tao sa lugar kung saan idadaraos ang mass testing.

Kaugnay nito inaasahan na ilang araw din ang itatagal ng pasamantalang pagsasara ng Old Public Market kaya naman ngayon pa lamang ay inaabisuhan na ang mga vendor na maaaaring maapektuhan ng pagsasara ng pamilihan.

Layunin ng mass testing na matukoy ang mga taong posibleng carrier ng virus at puntirya ng pamahalaang lungsod na mabuksan ang pamilihan bago sumapit ang Kapaskuhan.