-- Advertisements --

Lalo pang pinaigting ng Israel ang pag-atake nito sa Gaza sa gitna ng pag-uusap sa Qatar para maipagpatuloy ang ceasefire sa pagitan ng magkabilang panig.

Nitong nakalipas na 24 oras, mahigit 100 katao na sa Gaza ang napaulat na napatay sa inilunsad na air strikes ng Israel.

Tinamaan ng pambobomba ng Israel ang dalawang ospital gayundin ang ilang mga kabahayan sa Jabalia town at refugee camp.

Ayon naman sa Israel, nagsasagawa ito ng strikes laban sa mga fighter at imprastruktura ng Hamas.

Nangyari naman ang marahas na pag-atake ilang sandali matapos umapela si UN head of humanitarian affairs Tom Fletcher sa world leaders na iwasan ang aniya’y genocide.