-- Advertisements --
Nasa mahigit 100 katao sa isang police station sa Fairview, Quezon City ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa nasabing bilang 89 dito ay mga detainees habang 21 ay mga kapulisan.
Sinabi ni Quezon City Epidemiology and Disease Surveilance Unit (QC-CESU) na masikip ang nasabing lugar kaya mabilis na nagkahawaan ang mga tao.
Agad naman na inilagay sa isolatation ang mga nagpositibo at sila ay mahigpit na binabantayan.
Magugunitang mayroong 49 na lugar sa QC rin ang inilagay sa special concern lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.