-- Advertisements --

Umabot na sa 139,146 na indibidwal o katumbas ng 95, 741 na mga pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Agaton.

Ito’y batay sa inilabas na situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa NDRRMC, nanggaling ang mga naapektuhan pamilya sa 274 barangays sa Region 5, 6, 7, 8, 10, 11, 12 , CARAGA at BARMM.

Sa naturang bilang, 17,070 ang mga indibidwal o katumbas ng 4,681 na pamilya ang nanunuluyan pansamantala sa mga evacuation center habang ang iba naman ay tumuloy muna sa kanilang mga kaanak.

Samantala, sinabi naman ng NDRRMC na patuloy ang pagberipika nila sa mga ulat ng mga nasasawi, nasaktan at nawawala na may kinalaman sa bagyo.

Sa ngayon, mayroon silang 20 na napaulat na nasawi, 12 nasaktan at dalawa ang nawawala.