-- Advertisements --

Kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na makatutulong ang Maharlika Investment Fund (MIF) upang makapagtayo ng mga kinakailangang imprastraktura para matiyak ang maayos na suplay ng kuryente sa bansa.

Itoy sa gitna ng nangyaring power outage sa Western Visayas.

Kasabay nito, nanawagan ng imbestigasyon si Speaker Romualdez sa naganap na power outage sa Western Visayas na nagsimula noong Enero 2 at nagtagal ng ilang araw upang mahanapan na ito ng solusyon.

Ayon kay Romualdez ang nangyaring blackout ay naka apekto sa ibat bang negosyo, industries at maging ang buhay ng mga mamamayan.

Una ng nagpahayag ng pangamba si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa kawalan umano ng aksyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) upang matugunan ang problema. Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano tapos ang paglalagay ng transmission lines na mag-uugnay ng suplay ng kuryente ng Cebu, Negros at Panay Grid.

Iginiit din ni Speaker Romualdez ang sama-samang hakbang ng iba’t ibang ahensya gaya ng Department of Energy at Energy Regulatory Commission (ERC) upang hindi na maulit ang power outage.

Sinabi ni Romualdez na nararapat lamang na magkaroon ang mga residente ng Western Visayas ng sapat at maaasahang power infrastructure at susuportahan umano niya ang mga hakbang upang makamit ito.