-- Advertisements --

Nabawi na ng US ang sensor mula sa unag suspected Chines spy balloon na kanilang pinabagsak sa Atlantic Ocean.

Ayon sa US Northern Command, na lahat ng mga mahalagang debris nito ay kanilang natagpuan na.

Kinabibilangan ito ng priority sensor at electronic pieces.

Nasa 40 na talampakan na antenna ang kabilang sa natagpuan.

Sinusuring mabuti na ito ng Federal Bureau of Investigation kung saan sinabi ng US na ginagamit ito para mag-ispiya sa mga sensitibong military sites.

Magugunitang mula pa noong Pebrero 4 ay aabot na sa apat na suspected Chinese spy balloon ang kanilang pinabagsak.

Gamit nila ang F-16 fighter jet at pinatama ang Sidewinder missile na bawat isa nito ay nagkakahalaga ng $400,000.