-- Advertisements --

Nagrehistro ng kabuuang 442 volcano-techtonic earthquakes ang Bulusan Volcano sa loob ng dalawang araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang naturang record ay nagsimula noong alas-4 ng hapon ng Lunes (May 18) hanggang kaninang alas-12 ng tanghali (May 20).

Kinabibilangan ito ng 55 na mababaw na pagyanaig, o may lalim na mas mababa sa limang kilometro.

Nananatili namang mahina ang mga degassing activity ng naturang bulkan, kung saan ang sulfur emission ay umaabot lamang ng 121 tonelada kada araw mula pa noong Abril (2026).

Samantala, nagrehistro rin ang bulkan ng pamamaga sa ilang bahagi nito, lalo na sa hilaga at kanlurang dalisdis nito.

Ang mga ito, ayon sa Phivolcs, ay pawang indikasyon ng tuloy-tuloy na ‘presurization’ o pagkakaipon ng pressure sa loob ng bulkan na maaaring magdulot ng phreatic eruption anumang oras.

Sa kabila ng tumataas na aktibidad, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang alerto sa naturang bulkan.