CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang magsasaka sa pananambang sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Dexter Doliente, 37 anyos, may asawa at residente ng Barangay Kawilihan Alamada North Cotabato.

Ayon kay Alamada Chief of Police Major Sunny Leoncito na lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo sa Sitio Binidayan Barangay Guiling Alamada Cotabato nang pagbabarilin ito ng mga hindi kilalang suspek gamit ang M16 armalite rifles.

Agad namang tumakas ang mga suspek pagkatapos nang pamamaril patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Alamada.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ito ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

-- Advertisement --

Narekober ng mga nagrespondeng pulis ang motorsiklong ginamit ng biktima at kanyang pera.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaril patay sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.