-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang magsasaka sa pamamaril dakong alas 7:05 nitong Huwebes ng gabi sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Roland Allamillo at residente ng Arakan North Cotabato.

Ayon ulat ng Arakan PNP na habang natutulog ang biktima sa kwarto ng kanyang tahanan ay bigla itong pinasok ng mga hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Arakan.

Agad binawian ng buhay ang biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Marami ang naniniwala na posibling mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang pumatay sa biktima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Arakan PNP sa pamamaslang sa biktima.