CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang magsasaka ng itoy makuryente sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Mohammad Kasan,26 anyos,may asawa at residente ng Barangay Layog Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya na habang gumagawa ng sampayan ng damit ang biktima gamit ang alambre o tie wire sa tabi ng kanilang tahanan ay bigla itong nangisay nang aksidenteng makuryente.

Nahawakan umano ni Kasan ang live wire ng kuryente habang ngsasampay ng damit at naglalaba naman ang kanyang misis.

Sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nasunog ang ilang parte ng katawan ng biktima sanhi ng kanyang agarang kamatayan.