ROXAS CITY – Patay ang 54 anyos na magsasaka matapos pinaulanan ng bala at pinagtataga ng walong mga suspek sa Barangay Agpalali, Tapaz, Capiz.

Ang biktima ay kinilala na si Lornalee Gallenero, residente rin ng naturang lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Tapaz Municipal Police Station, habang nasa loob ng kaniyang kubo ang biktima ay pinasok ito ng umaabot sa walong mga suspek kung saan nakilala ang isa sa mga ito na si Ariel Olog, 23 anyos at pinagbabaril ang biktima gamit ang 12 gauge shotgun.

Hindi pa nakuntento si Olog at pinagtataga pa umano ang suspek ng maraming beses kasama ang ibang kasamahan nito.

Narekober ng mga kapulisan sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basiyo ng 12 gauge shotgun.

Pinaniniwalaan namang naghiganti ang isa sa mga suspek na si Olog, na anak ng natagpuang patay at inilibing sa lupa na may tama ng mga bala sa katawan sa Sitio Malansa, Barangay Abangay, Tapaz noong nakaraang linggo.