-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Dinakip ang isang lalaki sa isinagawang anti illegal drug buy-bust ng mga kasapi ng Aritao Police Station sa Purok 4, Brgy. Calitlitan, Aritao, Nueva Vzcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Aritao Police Station ang suspect ay si Tony Bañaga Jr., 35 anyos, magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Sa pagtutulungan ng mga kasapi ng Regional Drug Enforcement Unit, Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit, Aritao Police Station at PDEA Region 2 ay isinagawa ang operasyom na nagresulta sa pagkakadakip ng pinaghihinalaan matapos maaktuhang nagbebenta ng hinihinalang Shabu

Ayon sa ulat nakipagtransaksyon umano si Bañaga sa isang Pulis poseur Buyer bitbit ang isang pakete ng hinihinalang Droga kapalit ng isang libong piso.

Nakuha pa sa suspect ang dalawa pang sachet ng hinihinalang Droga kabilang ang ilan drug paraphernalia, isang Cellphone na hinihinalang ginagamit nito sa pakikipagtransaksyon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165( Comprehensive Dangerous Drugs Act) ang pinaghihinalaan na umanoy kabilang rin sa talaan ng PNP/PDEA HVI list at municipal target list.