-- Advertisements --
Hindi na hinayaan pa ng Magnolia Hotshots na makabangon pa ang Phoenix Pulse 97-81 sa kanilang paghaharap sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.
Mayroong 20 points at 15 rebounds si Romeo Travis habang nag-ambag naman ng 17 points si Ian Sangalang at 15 points si Paul Lee.
Nasa pang-anim na puwesto ang Hotshots na mayroong limang panalo at apat na talo habang nasa pang-sampung puwesto ang Pulse na mayroong dalawang panalo at pitong talo.
Hindi maitago ni Magnolia coach Chito Victolero ang kasiyahan dahil gumana ang kanilang depensa.
Nasayang naman ang ginawang 24 points ni Alonzo Gee para sa Pulse.