DAVAO CITY – Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang lungsod sa Magsaysay Davao del Sur pasado alas dos kaninang hapon.

Base sa record ng Phivolcs, naramdaman bandang 2:24 ng hapon ang lindol kung saan sentro nito ang kanlurang bahagi ng Magsaysay Davao del Sur at may lalim na 17 kilometros.

Habang naitala naman ang Intensity 4 sa Koronadal City, South Cotabato; Intensity 3 sa Kidapawan City, Cotabato; Intensity 2 sa Kiamba – South Cotabato; at General Santos City.

Walang naitalang damyos matapos ang pagyanig ngunit aasahan pa rin ang mga aftershocks.