-- Advertisements --
Niyanig ng isang magnitude 5.0 na lindol ang Isla ng Sarangani partikular sa bayan ng Sarangani nitong Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Batay sa ahensya ang lindol ay nagmula sa ilalim ng lupa (tectonic origin), na may 91 kilometro, timog ng Sarangani Island bandang 6:48 ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, nakapagtala ng Instrumental Intensity I ang mga bayan ng Malungon at Alabel sa lalawigan ng Sarangani.
Wala namang inaasahang pinsala ang naturang lindol, ngunit posible pa rin ang mga aftershock, ayon sa mga seismologist.