TACLOBAN CITY – Wala ng buhay nang matagpuan ang nalunod na maglola sa ilog sa Sitio Banica, Barangay Bugko sa Mondragon, Northern Samar.

Kinilala ang mga biktima na sina Hazel Lagrimas, 11 -anyos, at Josefina Lagrimas, 68, kapwa residente ng nasabing lugar

Ayon kay PSM/Sgt. Jose Wilven Capoquian, imbestigador ng Mondragon-Philippine National Police, lumalabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon na pauwi na sana ang maglola matapos manguha ng mga tulya nang biglang mahulog ang kanyang apo sa ilog

Kaagad namang lumangoy ang matanda para sagipin ang kanyang apo pero dahil sa lakas ng agos ng tubig ay natangay silang dalawa.

Umabot pa ng ilang araw bago narekober ang magkayakap na bangkay ng dalawa na bitbit pa rin ang pinagsidlan ng kinuha nilang tulya.